KASO NG INFLUENZA VIRUS, DENGUE FEVER, TYPHOID FEVER, ACUTE GASTROENTERITIS NGAYONG ENERO 2024 MABABA KUMPARA NOONG 2023

Inihayag ng Provincial Health Office (PHO) ng Pangasinan na ang mga kaso ng influenza virus, dengue fever, typhoid fever, at acute gastroenteritis nitong Enero 1 hanggang 22, 2024, ay mas mababa kumpara sa parehong panahon noong 2023.
Sa datos mula sa iba’t ibang inter-local health zones (ILHZs) sa lalawigan, bumaba ng 60% ang kasalukuyang kaso ng typhoid.
Ang mgabayan ng Bayambang, Malasiqui, Pozorrubio, at Sta. Maria ay nagkaroon ng tig-isang kaso sa unang 22 araw ng Enero 2024, habang mayroong 10 naiulat nakaso noong nakaraang taon sa parehong panahon.Ang data surveillance sa trangkaso ay nagpakita na ang mga kaso noong Enero 1–22, 2023, ay umabot sa 177, habang 145 na kaso ang naiulat sa parehong panahon ngayong 2024.

Ito ay nagpapakita ng pagbaba ng 18% kung saan ang Alaminos City ang may pinakamataas na bilang ng mga kaso na may 29, na sinusundan ng Lingayen na may 17, at Binmaley na may 10.
Naitala sa update sa dengue na 72 ang naapektuhan mula Enero 1-22, 2024, habang 83 ang naitala sa parehong panahon noong 2023, kaya naging13% na pagbaba.Sa mga kaso ng talamak na gastroenteritis, nabanggit ng PHOang pagbaba ng 23%.
Mula Enero 1 hanggang Enero 22, 2024, lumabas na 373 kaso ang naitala habang may kabuuang 486 ang naiulat sa parehong panahon noong 2023.
Kasama sa kasalukuyang watchlist ng PHO ay ang mga sumusunod: San Carlos City na may 25 kaso; Calasiao na may 23; Lingayen na may 20; Mangaldan na may 17; Bolinao na may 15; Bayambang na may 14; at Dasol na may 13.
Nagbabala ang PHO sa publiko na mag-ingat laban sa mga sakit sa pamamagitan ng pag-inom ng sapat na tubig o katas ng prutas at sa pamamagitan ng wastong kalinisan, kabilang ang regular na paghuhugas ng kamay. |ifmnews
Facebook Comments