Sa isinagawang Usang Pangkapayapaan at Usapang Pangkaunlaran o Up-Up Cagayan Valley ngayong araw na pinangunahan ng Tactical Operations Group (TOG) 2, ibinahagi ni Ginoong Rommel Gamiao, Alternate Focal Person at Social Welfare Officer III ng DSWD Region 2 bilang pangunahing pandangal ang mga nagampanan at naisagawang proyekto ng kanilang tanggapan kaugnay sa mga sumukong rebelde sa tulong ng ipinatutupad na National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
Ibinahagi rin ni Gamiao ang mga tulong na kanilang ipinagkakaloob sa mga nagbabalik-loob sa pamahalaan gaya ng Assistance to Individuals in Crisis Situations Assistance to Communities in Need, Food and Non-Food Item, Cash Food-For-Work, Regular Sustainable Livelihood Program Sustainable Livelihood Program – Conflict -Affected and -Vulnerable Areas ganun na rin ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps, Disaster Risk Response and Rehabilitation at marami pang iba.
Mula nang magsimula ang kanilang programa ay pinakamarami sa Lalawigan ng Isabela ang kanilang nabigyan ng tulong pangkabuhayan kung kaya’y patuloy pa rin ang kanilang mga programa para sa mga nagbabalik loob sa pamahalaan.