Mga prograsibong grupo sa region-12, magsagawa ng malawakang kilos protesta kasabay ng SONA ni Pangulong Duterte

General Santos City – Isang malawakang kilos protesta ang ilulusad ng mga progresibong grupo dito sa Region 12 ngayong Lunes, July 24, kasabay ng ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay dadaluhan ng mahigit 3,000 mga kasapi ng ibat-ibang progresibong grupo sa rehiyon na pangungunahan naman ng Bagong Alyansang Makabayan.

Sinabi ni Zonia Eugenio, regional spokesperson ng Anakbayan SOCKSARGEN na magsidatingan sa lunsod ng Gensan ang kanilang mga kasamahan Linggo ng hapon kung saan, silay mananatili sa Plaza Heneral Santos para sa isang Programa. Magsasagawa din sila ng Vigil para ipakita ang kanilang pagkadismaya sa hindi pagtupad ng pangulo sa kanyang mga pangako.


Sa mismong araw ng SONA ng Pangulo, sila ay maglalakad mula sa Plaza Heneral patungong Gensan City Public Market at doon na nila ilalatag ang mga naging kakulangan ng Pangulo sa mamamayan ng bansa.

tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments