Tuesday, November 17, 2026

Nakatakdang programa at pagmartsa ng mga Iskolar ng Bayan at katutubo sa University Avenue sa UP Diliman ngayong Martes, hindi natuloy

FILE

Kanselado ang nakatakda sanang programa at pagmamartsa ng mga Iskolar ng Bayan sa University Avenue ng University of the Philippines-Diliman, Quezon City ngayong Martes, November 17 para sana magpahayag ng pagtutol sa panukalang Pax Silica Agreement at iba pa kasabay ng 49th ASEAN Summit.

Ayon kay Jevi Quitain, Secretary ng All UP Academic Employees Union-Diliman Chapter, ito ay para maiwasan ang anumang karahasan na posible umanong gawin sa kanila, ng mga pulis na nagbabantay sa paligid ng nasabing unibersidad.

Dahil dito, unti-unti nang nagsisialisan ang mga katutubo mula sa Central Luzon at Iskolar ng Bayan na nagkakampuhan sa Vinzons Hall sa UP Diliman, para lumipat sa Liwasang Bonifacio sa lungsod ng Maynila.

Samantala, umaasa naman ang grupo, na magiging maunawain ang kapulisan sa mga raliyista, dahil pare-pareho lang umano silang Pilipino na lumalaban sa umano’y pananakop ng mga dayuhan sa bansa.

Facebook Comments