Pasay City – Pinagbawalan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng pulis at sundalo sa buong bansa na huwag iinom sa mga pampublikong lugar.
Ito ang pahayag ng Pangulo kasabay ng pagbabalik-tanaw niya noong alkalde pa siya ng Davao City kung saan may isang pulis at isang sundalo ang nagkasagupa matapos mag-inuman.
Binanggit ng Pangulo na palaging dahilan ng awayan ng pulis at sundalo sa inuman ay mikropono.
Pinuna rin niya ang pagkakasangkot ng mga sundalo at pulis sa ilang kaso ng kidnapping at patayan.
Nauna nang nagbigay ng direktiba si Duterte sa mga pulis na papasok sa mga casino para magsugal.
Facebook Comments