Sec. Diokno, hinamon si Cong. Andaya na maghain ng kasong kriminal laban sa kanya

Manila, Philippines – Hinamon ni Budget Secretary Benjamin Diokno si House Majority Leader Rolando Andaya na maghain ng criminal complaint laban sa kanya.

Ito ay kaugnay ng umano’y multi-billion peso flood control scam sa ilalim ng Duterte administration.

Ayon kay Diokno – maghain si Andaya ng kaso sa Office of the Ombudsman upang makapagpaliwanag siya.


Muli ring itinanggi ng kalihim ang akusasyon ni Andaya hinggil sa paglalaan ng bilyu-bilyong piso na infrastructure at flood control funds sa Sorsogon.

Pinasinungalingan din ni Diokno ang pakikipagsabwatan sa mga matataas na opisyal ng DPWH at sa paggawad ng kontrata sa Aremar Construction kung saan shareholder ang kanyang manugang na si Romeo Sicat Jr.

Facebook Comments