Walang namomonitor ang pamunuan ng Philippine National Police na mga pulis na sangkot sa operasyon ng Jueteng.
Ito ang giniit ni PNP Chief Police Gen Oscar Albayalde sa harap ng posibleng pamamayagpag ng jueteng dahil sa pagtigil ng gambling operation ng PCSO.
Ayon kay Albayalde, binabalaan nya ang mga pulis na huwag na huwag matutuksong masangkot sa opersyon ng mga illegal numbers game partikular jueteng dahil maari nila itong ikasibak sa serbisyo.
May ipinatutupad aniyang one strike Policy ang PNP kung saang mananagot maging ang mga Police station commanders kapag may mga tauhang nasangkot sa jueteng.
Samantala kahapon inihayag ni Albayalde na mayroon silang tinututukang dalawang lugar sa Central Luzon na mayroong operasyon ng Jueteng.
Sa ngayon nagpapatuloy ang kanilang intelligence gathering upang matukoy ang mga sangkot sa operasyon ng jueteng.