Mga pulis na akusado sa pagpatay kay Albuera Mayor Espinosa, hindi bibigyan ng special treatment ng PNP

Manila, Philippines – Siniguro ng PNP na hindi bibigyan ng special treatment ang mga pulis na akusado sa pagpatay kay Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.

 

Ito ay sa harap na rin ng pangamba ng publiko na posibleng magkaroon ng  special treatment sa mga akusado dahil na rin sa matagal na panahong namayagpag ang kapangyarihan ni Sr. Supt. Marvin Marcos bilang CIDG region 8 head at sa posibilidad na baka may natitira pa umano itong impluwensiya sa mga dating tauhan.

 

Sinabi ni PNP spokesman Pol. Sr. Supt. Dionardo Carlos na noon pa nila ipinaubaya sa korte ang disposisyon sa pagkukulungan sa mga akusado

 

Dagdag pa ni Carlos, alam na ng mga taga-CIDG region 8 ang kanilang mga responsibilidad para sa tamang pagtrato sa sinumang akusado sa kahit alinpamang kaso dahil sila ang mananagot sa korte kapag may nalabag dito.

 

Sakali naman aniyang magdesisyon ang korte na mailipat ng piitan ang grupo ni Pol. Supt. Marvin Marcos, tatalima  aniya rito ang pulisya.

 

Sa CIDG region 8 detention facility rin sila pansamantalang ikinomit ng korte para makulong matapos ikonsidera ang mosyon ng grupo ni Marcos na baka manganib ang kanilang kaligtasasan sa Baybay City Jail, sa dami ng nasagasaan nila noon sa mga inilunsad na operasyon.



Facebook Comments