Mga pulis na inoobserbahan dahil posibleng may COVID-19, umabot na sa 981

131

981 na mga pulis ang inoobserbahan ngayon dahil sa posibleng pagkakaroon ng Coronavirus Disease.

Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, 76 na pulis ang itinuturing na ngayong Person Under Investigation (PUI) habang 905 na mga pulis naman ang Person Under Monitoring (PUM).


Patuloy ngayong minomonitor ng PNP Health Service ang kondisyon ng mga pulis.

Patuloy rin na minomonitor ng mga PNP Doctor ang dalawang pulis na positibo sa COVID-19.

Nilinaw din ni Banac na ang dalawa nilang tauhan na namatay na sina PSSgt. Roderick Taca ng CIDG Manila at PSSgt. Feliciana Malana ng HPG ay negatibo sa COVID-19.

Sila ay namatay sa ibang karamdaman.

Facebook Comments