Umabot na sa 220, 050 o 98. 42 percent ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang nabigyan na ng booster shot laban sa COVID-19.
Una nang sinabi ni PNP Public Information Office (PIO) Chief PBGen. Roderick Augustus Alba na sinisikap ng PNP na makumpleto ang pagbibigay ng booster shot sa kanilang mga tauhan na fully vaccinated bilang karagdagang proteksyon.
Ito aniya ang dahilan kaya nakamit na ng PNP nitong mga nakaraang linggo ang kanilang target na zero COVID cases.
Pero, mayroon pa rin anyang pa-isa-isang iniuulat na bagong kaso ng COVID-19 ang PNP mula noong nakaraang linggo.
Ngayong araw batay sa ulat PNP Health Service, walang bagong kaso ng COVID-19 sa PNP pero may dalawang aktibong kaso sa hanay ng PNP.
Mula ng magsimula ang pandemya, nasa 48,863 na ang tauhan ng PNP na tinamaan ng COVID-19, kung saan 48,732 ang naka-rekober at 129 ang nasawi.