Mga pulis na nag-isip na ikulong sa secret cell ang ilang bilanggo sa MPD station 1, hindi inaabswelto ni PNP Chief

Manila, Philippines – Nilinaw ni PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa na hindi tuluyang inaabswelto ng PNP ang mga pulis na nag-isip na pansamantalang ikulong sa secret cell sa Manila Police District Station 1 sa Tondo, Maynila ang mahigit sampung bilanggo habang pinoproseso ang kanilang kaso.

Sa halip ayon kay Dela Rosa, inaabswelto o dinedepensahan lamang aniya nila ang kanilang mga tao sa paratang ng Commission on Human Rights na umanoy humihingi ang mga kanyang mga tauhan ng 40 thousand hanggang 50 thousand sa pamilya ng mga bilanggo para ilabas ang mga ito sa secret cell.

Napatunayan nya raw kasi na wala itong katotohanan.


Ayon kay Dela Rosa, nagsasagawa na nang imbestigasyon ang PNP Internal Affairs Service sa kaso ng sinibak na commander ng Manila Police District station 1 na si Sr. Supt. Robert Domingo at sampu nitong tauhan.

Ito ay para matukoy kung may nalabag ang mga ito at mapanagot matapos ikulong sa isang secret cell ang mga bilanggo.

Hindi rin daw totoong tinorture ang mga bilanggo ng mga pulis.

Sa halip, nagpapasalamat pa nga raw ang mga ito dahil pinapakain sila ng mga pulis kahit wala silang dalaw.

Sa ngayon, tanging ang nakikitang paglabag ni General Bato na nagawa na kanyang mga tao lalo na ang commander MPD station ay dahil naisipan ng mga itong ikulong sa secret cell ang bilanggo na patuloy na iniimbestigahan.

DZXL558

Facebook Comments