PNP Chief, nirerespeto pa rin si Senator Lacson matapos siyang tawaging arogante

75

Manila, Philippines – Nirerespeto ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang pagtawag sa kanya ni Senator Panfilo Lacson na ‘very arrogant’ o napaka- arroganteng tao.

Kasunod ito nang kanyang naging panayam kung saan tila ipinagtatangol niya pa ang mga pulis na nag-isip na ikulong sa isang secret cell ang mahigit sampung bilanggo sa MPD station 1.

Ayon kay PNP Chief Dela Rosa, nanatili ang respeto at paghanga nya sa senador.

Pero nanindigan siyang dapat na ipagtanggol o depensahan ang mga pulis na hindi nangongotong at hindi nang-aabuso.

Pero kung may paglabag na ginawa aniya kanyan mga tauhan dapat na papanagutin ang mga ito.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kaso ng mga pulis na sangkot sa pagkukulong ng mga bilanggo sa secret jail at kung napatunayang may paglabag sila siguradong mapaparusahan ang mga ito.

DZXL558

Facebook Comments