Mga pulis, obligado na ang pagsusuot ng face mask at face shield kahit nasa loob ng mga kampo at police stations

Iniutos na ni Lieutenant General Guillermo Lorenzo Eleazar, Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Administration at Commander ng Administrative Support for COVID-19 Task Force sa lahat ng mga pulis sa buong bansa ang pagsusuot ng face mask at face shield kahit nasa loob ng kampo at police stations.

Ito ay upang maiwasan pa rin ang pagkahawa-hawa ng COVID-19.

Sinabi ni Eleazar, ang sinumang pulis na mahuhuling walang face mask at face shield ay awtomatikong magma-mandatory quarantine lalo’t kung nagkaroon ng close contact sa taong positibo sa COVID-19.


Sinabi pa ni Eleazar, kinakailangang ituring ng mga pulis ang lahat nilang kasama sa opisina at police stations ay potential carriers ng coronavirus para mas ligtas sa COVID-19.

Batay sa datos ng PNP, mayroon nang 9,241 PNP personnel ang naging infected ng COVID-19 simula Marso nang nakalipas na taon, pero 8,897 sa mga ito ay gumaling na, 316 naman ang active cases at 28 ang naitalang namatay.

Facebook Comments