Mga pulis sa likod ng big-time anti-drug operation sa Bulacan, ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte

*Bulacan* – Ayos lang kay Pangulong Rodrigo Duterte ang serye ng anti-drug operation sa lalawigan ng Bulacan.

Ito ang sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa ika-19 na anibersaryo ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa MalacaƱang kagabi.

Sabi ng pangulo, tama lang ang ginawa ng PNP dahil alinsunod ito sa kanyang anti-drug campaign.


Kasabay nito, binalaan ni Duterte ang kanyang mga kritiko na ayaw maniwalang kinakain na ng droga ang bansa.

Hamon niya, subukan nilang umupo sa kanyang posisyon at manguna sa kanyang war on drugs.

Ipinakita rin ng pangulo ang hawak niyang updated drug list na as of August 8 pero hindi siya nagbanggit ng pangalan.

Facebook Comments