Pangulong Rodrigo Duterte, muling nagpahayag ng suporta kay Customs Commissioner Nicanor Faeldon

Manila, Philippines – Muling nagpahayag ng suporta si Pangulong Rodrigo Duterte kay Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Kaugnay pa rin ito ng isyung kinasasangkutan ng BOC dahil sa nakalusot na P6.4-bilyong halaga ng drug shipment sa bansa.

Ayon sa pangulo, naniniwala siya na wala talagang kasalanan si Faeldon.


Nalusutan lang daw siya ng mga tiwali at korap na empleyado ng BOC.

Una nang sinabi ni Duterte na pag-aaralan niya ang anumang magiging resulta ng imbestigasyon ng Senado at Kamara saka siya maglalabas ng desisyon sa magiging kapalaran ni Faeldon.

Facebook Comments