Mga pumapasadang PUVs, pinadadagdagan

Nanawagan si Marikina Rep. Stella Quimbo na dagdagan ng Department of Transportation (DOTr) ang mga Public Utility Vehicles (PUVs) na pumapasada.

Kasunod ito ng panawagan ng kongresista sa budget hearing ng kagawaran na irekonsidera ang reduced physical distancing na ipapatupad sa mga public transportation.

Punto ni Quimbo, kahit na bawasan ang physical distancing measure sa loob ng mga public transport ay nananatili pa rin sa 1.7 million ang estimated na stranded passengers dahil sa kakulangan ng masasakyan.


Ayon naman kay LTFRB Chairman Martin Delgra, sa Metro Manila ay tumaas na sa 77,609 ang tumatakbong PUVs bunsod na rin ng dagdag na 17,000 na ruta ng traditional jeep.

Ipinagmalaki naman ng DOTr sa Kamara na 1.647 million ang maidadagdag na pasahero sa pagluwag ng physical distancing sa mga pampublikong transportasyon.

Samantala, dagdag na PUVs din ang panawagan nila Economics Affairs Committee Chairman Sharon Garin at Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda upang maiangat sa 2 million ang passenger capacity.

Pinalalawig din ang work-from-home scheme sa government sector kung saan kapag pinayagan na ibaba sa 10% ng 400,000 na empleyado ng pamahalaan ang pisikal na papasok sa trabaho, mayroong 360,000 seats araw-araw ang maaaring ibigay sa mga bumabyaheng kawani ng pribadong sektor.

Facebook Comments