Dating kargador sa Kalibo Public Market natagpuang patay

14

Kalibo, Aklan – Wala ng buhay ng matagpuan ang isang dating kargador nitong umaga lang sa abandonadong building sa Kalibo Public Market. Ang nasabing biktima ay nakilalang si Yvan Iligan, sa legal na edad at residente ng Sitio Talangban, Brgy. Camaligan, Batan. Base sa report, natagpuan lamang itong nakahiga sa loob ng kanyang tinutugan at wala ng buhay. Malimit rin itong nakikitang namamalimos nitong huli, umiinum ng alak at may iniinda ng sakit. Samantala, sa isinagawang pag imbistiga ng Kalibo PNP ay hindi naman ito nakitaan ng foul play pero para mawala ang duda ay isasailalim pa sa post mortem ang bangkay nito.


Facebook Comments