Vintage bomb, natagpuan sa purok elementary school sa Legazpi City

Legazpi City, Philippines – Natunton ang isang vintage bomb na pinaniniwalaang naiwan mula sa pangalawang digmaang pandaigdig.

Ito’y habang nagsasagawa ng pag-sasaayos sa purok elementary school sa lungsod ng Legazpi.

Kaagad namang nakipag-ugnayan ang school principal, sa Legazpi City Police District na siyang nakipag-ugnayan sa EOD ng Camp Simeon-A-Ola para i-retrieve ang naturang vintage bomb.
Nagpasalamat naman ang Department of Education sa rehiyon dahil sa mabilis na aksiyon ng mga awtoridad.
DZXL558, *Leo Barcellano *


Facebook Comments