Mahigpit na pinamomonitor ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga regional at local DRRMC ang update sa Bagyong Ulysses.
Ito ay upang agad silang makapagbigay ng warning at makagawa ang precautionary measures sa mga lugar na tutumbukin ng Bagyong Ulysses.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, inutos niya rin sa mga RDRRMC na gamitin ang lahat ng klase ng komunikasyon para matiyak na maipapakalat sa lahat ang mga warning na dala sa pananalasa ng bagyo.
Iniyahag naman ni Jalad na nagkapag-sagawa na nang Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) meetings ang mga RDDRMC para makapaghanda.
Muling panawagan ni Jalad sa lahat, lalo na sa mga nakatira sa mga lugar na tutumbukin ng Bagyong Ulysses na maghanda sa posibleng pagbaha lalo’t inaasahan ang malakas na buhos ng ulan.