Mga residente ng Navotas, inaanyayahang makibahagi sa Hanapbuhay Caravan

Navotas City – Tutungo bukas (September 27) sa Taganahan St. Barangay Bagumbayan South, Navotas City ang Hanapbuhay Caravan.

Ayon kay Irish Navarro, PIO ng lungsod, maraming serbisyo ang ilalapit sa publiko bukas dahil bukod sa jobfair magkakaroon rin ng serbisyong baranggay tulad ng libreng gupit, massage treatment at manicure bukas.

Magkakaroon rin ng negosyo seminars at trainings, at SSS, Maynilad at Meralco application.


Magsisimula aniya ang Hanapbuhay Caravan alas otso ng umaga at tatagal hanggang alas tres ng hapon.

Facebook Comments