Mga residente ng Olongao island sa Cebu, takot pa ring bumalik sa kani-kanilang bahay dahil sa umanoy presensya ng mga hinihinalang Abu sayyaf

Manila, Philippines – Takot pa ring bumalik sa kani-kanilang mga bahay ang ilang residente ng Olango island sa Cebu dahil sa umano’y presensya ng mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa lugar.

Nabatid na nasa 25 pamilya ang nananatili pa rin sa mga evacuation centers.

Una rito, noong isang araw, dalawang armadong lalaki na nakatakip ang mga mukha ang namataan sa lugar habang naglalakad sa tabing-dagat.


Naging mabilis naman ang pagresponde ng mga tropa ng gobyerno na hanggang ngayo’y nagbabantay para sa seguridad ng mga residente roon.

Ang Olango island ay 25 kilometro lang ang layo sa bayan ng Inabanga, Bohol kung saan unang nagka-engkwentro ang mga otoridad at ilang miyembro ASG.
Nation

Facebook Comments