Magnitude 5.1 na lindol, yumanig sa Tandag, Surigao Del Sur dakong alas 9:19 kaninang umaga

Manila, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Tandag, Surigao Del Sur, alas 9:19 kaninang umaga.

Base sa datos ng PHIVOLCS, naitala ang sentro ng lindol 22 kilometers north ng Tandag.

May lalim itong 28 kilometers at tectonic ang origin.


Naitala ang intensity II sa Bislig, Surigao Del Sur; habang intensity I sa Borongan, Eastern Samar.

Nagpaalala naman ang PHIVOLCS sa posibleng aftershocks bunsod ng pagyanig.

Sa ngayon, patuloy ang monitoring ng ahensya kung may pinsalang naidulot ang lindol.
Nation

Facebook Comments