Mga residente ng Poblacion III Talisay Batangas nangangamba samalaking bitak sakanilang lugar

Nangangamba ang mga residente ng Jose P. Laurel Street Poblacion III Talisay Batangas na nagsimula sa Sitio Camantigue Barangay Tumaway Talisay Batangas.

 

Ayon kay dating Vice Mayor Allan Lamano natuklasan nila ang bitak matapos pumutok ang bulkang Taal noong linggo kung saan nagsimula ang naturang malaking bitak mula sa Sitio Camantigue dumaan saPoblacion 1 hanggang Poblacion III, mahigit 10 kilometro ang layo ng naturang mga bitak.

 

Panawagan nila sa Philvolcs na suriin ang naturang bitak upang mapawi ang mga pangamba ng mga residente na posibleng Fault line kung saan kaninang ala una ng hapon ay nagkaroon ng malakas  na pagyanig.


 

Maging ang pader ng San Guillermo Academy ay nagkaroon din ng bitak na lub hang pinangambaha  ng mga residente na baka mayroong masaktan na mag estudyante kapag pumasok na ang mga estudyante.

Facebook Comments