Mga residente sa Malabon, naiirita na dahil sa mga nagkalat na campaign materials

Hindi na natutuwa ang mga ilang residente sa mga campaign materials na nakakalat sa kalsada sa Malabon.

Sa pag-iikot ng DZXL RMN Manila, nakita hanggang sa kawad ng kuryente, poste, bakod hanggang sa mga kanal, may mga mukha ng mga kandidato.

Ayon kay aling Trinidad, panigurado sila na naman ang maglilinis sa kalat ng kandidato nanalo man ito o natalo.


Maging ang mga sample balot na nagkalat sa mga paaralan kung saan isinagawa ang botohan ay sobrang daming iniwan.

Sa ngayon wala pang nakikitang nagtatanggal ng mga campaign materials sa Malabon.

Facebook Comments