Pinayuhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga apektadong residente ng Bagyong Aghon na makipag-ugnayan sa kanilang lokal na pamahalaan o social welfare officers para sa mga kailangang tulong.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DSWD Spokesperson Asec. Irene Dumlao na handa ang DSWD na dagdagan ang suporta sa LGUs para matiyak na maibibigay ang lahat ng pangangailangan ng mga apektadong pamilya.
Ayon kay Dumlao, nasa 1.3 milyong pisong halaga ng inisyal na humanitarian assistance ang naipaabot sa mga probinsya ng Marinduque, Oriental Mindoro, Albay, Camarine Sur at Sorsogon.
Dumating na rin anga kaninang umaga sa Infanta, Quezon ang 5,000 family food packs na karagdagan sa naunang ipinahatid kahapon.
Tuloy-tuloy rin ang paghahatid ng tulong ng ahensya sa mga lugar na apektado ng kalamidad.