Mga residenteng apektado ng sunog sa brgy. 569, zone 56 sa Maynila, nangangailangan ng karagdagang tulong

Nanawagan ngayon ng tulong ang mga residenteng naapektuhan ng sunog sa Leo-road 10 street, Brgy 569 zone 56, Sampaloc, Maynila.

 

Nabatid kasi na karamihan sa kanila ay walang naisalbang gamit ng maganap ang sunog pasado alas-8:40 ng gabi ng biyernes na inabot ng ikatlong alarma.

 

Sinisilip na anggulo ng Manila Fire Department ang faulty electrical wiring kung saan 25 bahay ang natupok at 25 pamilya ang apektado ng sunog dahil mabilis kumalat ang apoy lalo na’t gawa sa light materials ang mga bahay.


 

Bagamat may naibigay na pagkain tulad ng lugaw at personal hygiene ang City Social Welfare Department, hindi daw ito sapat dahil kailangan pa din ng mga residente ang mga damit, kumot at iba pang gamit.

 

Sa ngayon, nagsisiksikan sa tatlong tent ang mga residenteng biktima ng sunog kung saan itinayo ito sa gilid ng kalsada.

Facebook Comments