Hindi makakatanggap ng ayuda mula sa lokal na pamahalaan ng Biñan City sa Laguna ang mga lumabag sa health protocols sa kanilang lugar.
Ito ay matapos hindi lamang sumirit ang kaso ng COVID-19 sa Biñan, kundi maraming residente rin ang hindi tumatalima sa mga ipinatutupad na health protocols.
Ayon kay Biñan City Mayor Arman Dimaguila, hindi sapat kung pagmumultahin ang mga residente dahil sa karamihan sa mga ito ay gipit na rin sa buhay.
Tanging paraan aniya ang hindi pagkakasama ng mga ito ng listahan ng mabibigyan ng ayuda upang matugunan ang katigasan ng kanilang ulo.
Sa ngayon, ilang residente na ang nabahala sa ipinatupad na panuntunan lalo na ang mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.
Facebook Comments