Manila, Philippines – Pinalilipat na ng lokal na pamahalaan ng Ormoc ang mga residenteng malapit sa fault system sa Leyte kasunod ng magnitude 6.5 na lindol.
Ito ang rekomendasyon sa isinagawang assessment ng PHIVOLCS sa mga barangay kung saan naroroon ang latest segment ng Philippine fault.
Ayon kay Gerry Perez, PHIVOLCS geologist – nakita na umangat at nagkabitak-bitak ang ilang kalsada senyales na malapit sa nasabing fault.
Sinabi ni Ormoc City Mayor Richard Gomez, agad niyang ipag-uutos na ilipat sa permanenteng tirahan ang mga nakatira sa dinaraaanan ng fault.
Dagdag pa ng alkalde, tinutugunan din nila ngayon ang kakulangan ng suplay ng tubig sa ilang lugar.
Samantala, itutuloy na ang klase sa malaking bahagi ng lungsod maliban na lamang sa mga naapektuhang paaralan.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558