Mga residenteng na lumikas mula sa Marawi City, nagsisiksikan na sa mga evacuation centers at nagkakaroon na ng sakit

Marawi City – Umabot na sa 264,000 ang bilang ng mga evacuees mula Marawi City.

Ayon kay Provincial Crisis Management Committee Assemblyman Zia Alonto Adiong – dahil sa pagsisikip ng mga evacuation centers ay nagreresulta na ito ng mabilis na pagkalat ng sakit.

Aniya, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Health (DOH) para magbigay ng ayuda para mapilgilan ang paglaganap ng sakit.


Sinabi rin ni Adiong na ang ilan sa mga bakwit ay nakakaranas na ng post traumatic disorder.

Dahil dito, plano ng nasabing komite na maglabas ng guidelines para sa mga donors ng gamot.

Facebook Comments