Mga road reblocking at road repairs sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila, suspendido muna dahil sa ASEAN Summit

Manila, Philippines – Simula sa November 1, suspendido na ang mga road reblocking at road repairs sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Road Digging and Excavation Chief Nelson Ceña, ito ay para sa gagawing Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Nobyembre at Kapaskuhan.

Aniya, tinukoy sa bagong moratorium ang mga exemption para madaling maintindihan.


Ang tanging exemptions ay ang patuloy na konstruksyon sa skyway 3, ang ginagawang mga tulay at pagsasa-ayos ng mga drainage.

Sinabi rin ni Ceñas na hindi na rin muna sila magpoproseso ng mga bagong permit para sa mga road work projects.

Tatagal aniya ang suspensyon hanggang sa January 15, 2018.

Facebook Comments