Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi kailangang bigyan ng tidgas vaccine ang mga sanggol na nasa anim na buwang gulang pababa.
Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III – underdeveloped pa lamang ang kanilang immune system at mayroon pa silang natural protection mula sa maternal circulation.
Pero sinabi ni Duque na maari pa ring dalhin ng mga magulang ang kanilang mga anak sa healthcare facilities para matingnan ang kondisyon ng bata at para sa kinakailangang gamot para rito.
Bago pa man ang tigdas outbreak, ang measles vaccine ay ibinibigay na sa mga bata na may edad siyam na siyam na buwan hanggang limang taon.
Nabatid na idineklara ng DOH ang tigdas outbreak sa limang rehiyon sa bansa; kabilang ang National Capital Region, Central Luzon, Calabarzon, Western Visayas at Central Visayas.
Sa huling datos, aabot sa 4,302 ang kaso ng tigdas sa bansa kung saan 70 na ang namatay.