Iginiit ng Public Order and Safety Office (POSO) ng Mangaldan ang striktong Implementasyon sa pagbabawal ng pagdaan ng mga motor, pedicab, at traysikel sa loob ng pamilihang bayan.
Layunin nito na maiwasang magsiksikan ang mamimili at matiyak ang kaligtasan ng bawat Isa.
Ayon kay Assistant POSO Chief Gerardo M. Ydia, papayagan lamang ang Pagdaan ng mga nasabing sasakyan kung magde-deliver ng mga paninda.
Mahigpit ang isinasagawang mga proyekto ng lokal na Pamahalaan sa bayan upang mapanatili ang kaayusan sa pamilihan.
Kabilang pa sa mga isinagawa hakbang ay ang pagpipintura ng ng stall demarcation lines upang mapanatili sa tamang espasyo ang mga tindera at matiyak na hindi masakop ang daanan ng mga mamimili. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments