Quirino Province- Patuloy na hinihikayat ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Quiruno ang mga residente sa kanilang nasasakupan lalo na sa mga nagnanais mag-aral upang magtungo sa kanilang tanggapan upang makakuha ng scholarship.
Sa isinagawang Tipon-Tipan kung saan pangunahing kasama ay ang TESDA, ipinaliwanag dito ang iba’t ibang mga programa ng naturang tanggapan na maaaring maavail ng mga nagnanais mag-aral.
Ayon kay Ginoong Alexander Restuaro, TESDA Specialist II sa naturang tanggapan ay mayroon umano silang bagong programang Universal Access to Quality Tertiary Education (UAQTE) kung saan ay layong tulungan ang mga nagnanais makapag-aral sa TESDA ng libre at walang binabayaran.
Kaugnay nito, ngayong taon ay nasa 1500 na mga scholars umano ang kanilang target na mabahagian ng TESDA sa ilalim ng UAQTE.
Kabilang sa mga pangunahing requirement upang makakuha ng scholarship ay ang poor but deserving student, hindi nakapag enrol sa anumang four year course at walang mga NC3.
Bilang bahagi ng pamimigay ng scholarship ay mahigpit naman ang gagawing monitoring ng TESDA sa mga estudyante nito upang makatiyak na hindi masayang at makakapagtapos ang sinumang mga makakakuha ng scholarship mula sa naturang tanggapan.