Mga senador, handa na maunang magpabakuna para mapawi ang pangamba ng publiko

87

Handa si Senate President Vicente Castelo Tito Sotto III na maunang magpaturok ng COVID-19 vaccine para maipakita sa publiko na ligtas ito at kailangan para tayo ay maproteksyunan laban sa COVID-19.

Si Senator Christopher “Bong” Go ay handa rin at sabi niya para patunayang epektibo at ligtas ang bakuna ay dapat mauna ring magpaturok ang iba pang opsiyal ng pamahalaan.


Sabi naman ng tagapagsalita ni Senator Manny Pacquiao na si Ron Munsayac, noong nakaraang taon pa nagpahayag ng pagiging bukas ang Senador sa pagpapabakuna laban sa COVID-19.

Subalit ayon kay Munsayac, kailangan lang nilang maging maingat para sa napipintong laban sa boksing ni Pacquiao.

Si Senator Imee Marcos ay gustong-gusto na ring magpabakuna para makapagtrabaho, makaikot at makasalamuha uli ang publiko, gayundin upang makatulong sa pagpapalakas ng kumpyansa ng taumbayan sa bakuna.

Naniniwala rin si Marcos na malaking bagay para sa katulad niyang asthmatic ang mabakunahan.




Facebook Comments