Mga senador na kabilang sa Minority Bloc, umaasang mapanatili sa 18th congress ang mga pinamumunuan nilang Komite

Umaasa si Senate Minority Leader Franklin Drilon na sasaklawin din sila ng umiiral na tradisyon sa Senado na Equity of the Incumbent o Pagbibigay Konsiderasyon sa mga Incumbent Senators pagdating sa hatian ng Committee Chairmanship.

Pahayag ito ni Drilon sa harap na balita na napupusuan ni Senator Elect Imee Marcos ang Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development na pinamumunuan ngayon ni Sentor Leila De Lima.

Habang gusto naman umano ni Senator Elect Pia Cayetano ang Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na pinamumunuan ni Senator Risa Hontiveros.


Ayon kay Drilon ang pagpapasya kaugnay sa Committee Chairmanship ay nasa kamay ng mayorya.

Tiniyak naman ni Drilon na kahit matanggalan ng pinamumunuang komite ang mga kasamahan niya sa minorya ay patuloy nilang susuriing mabuti ang bawat panukalang batas para matiyak na ito ay makabubuti sa kapakanan ng bansa at ng mamamayang pilipino.

Facebook Comments