Mga senador, nagkasundong isapubliko ang pangalan ng mga pulis na sangkot sa recycling ng ilegal na droga

17 mga senador ang bomoto at walang komontra sa pagsasapubliko ng mga pangalan ng mga pulis na sangkot sa umano’y recycling ng mga nasasabat na ilegal na droga.

 

Ang boto ng mga senador ay bilang pagsang-ayon sa mosyon na inihain ni Senator Ronald Bato Dela Rosa sa plenaryo na nag-aatas sa Senate Blue Ribbon Committee at Committee On Justice and Human Rights na parehong pinamumunuan ni Senator Richard Gordon.

 

Ito ay para ilabas ang ilang impormasyon na ibinahagi ni dating CIDG Chief at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong ukol sa agaw-bato scheme o recycling ng ilegal na droga.


 

Ang naturang executive session ay bahagi ng isinasagawang pagdinig ng mga naturang mga komite ukol sa mga katiwalian sa New Bilibid Prison at Bureau of Corrections.

Facebook Comments