Sumangayon ang mga senador na manatili si Senator Vicente “Tito” Sotto bilang Senate President sa oras na magbukas ang Kongreso sa Hunyo.
Sa isang meeting nitong weekend kasama ang ‘presumptive’ senators, sila ay nagdesisyon upang mapanatili ang status quo sa Senado.
Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, inaasahan na majority ng 20 na senador ang suportado sa pamumuno ni Sotto.
Kasama sa dinner ang mga ‘presumptive senators’ na sina Ronald “Bato” dela Rosa, Bong Go, Francis Tolentino, Ramon “Bong” Revilla habang dumalo rin sina Koko Pimentel at Manny Pacquiao at Majority Leader Juan Miguel Zubiri.
Dagdag ni Recto, unonimous ang naging desisyon at walang ibang pangalan ang posibleng pumalit kay Sotto.
Facebook Comments