
Welcome sa Defense team ni Vice President Sara Duterte (VPSD) ang lahat ng mga sagot ng mga amici curiae o friends of the court sa mga tanong kaugna ng voting threshold.
Ayon kay Defense Counsel Atty. Michael Poa, lahat naman ng mga ito ay opinyon ng mga nasabing mahistrado at ito ay kanilang nirerespeto.
Ayon pa kay Poa, talagang natuto sila ngayong araw sa mga bagay-bagay lalo na nagbigay ito sa kanila ng insight hindi lamang sa konstitusyon pati na sa kasalukuyang perspektibo.
Nauna nang sinabi Presiding officer Chiz Escudero na malaki ang tinalino ng lahat dahil sa mga binahagi ng mga dating mahistrado ng Korte Suprema
Nabatid na kabilang sa mga inimbitahan sa Impeachment Court ay sina dating Chief Justice (CJ) Artemio Panganiban, Reynato Puno, dating Assocciate Justice Adolfo Azcuna at dating Chief Justice Hilario Davide Jr.










