Mga senior citizen na PDLs, uunahing bakunahan sa sandaling dumating na ang maraming supply ng anti- COVID vaccine

Tiniyak na hindi isinasantabi ng gobyerno ang kapakanan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa usapin ng pagbabakuna laban sa COVID-19.

Inihayag ito ni Justice Sec. Menardo Guevarra kasunod ng panawagan ng mga miyembro ng KAPATID- support group ng pamilya at mga kaibigan ng mga political prisoners, na maisama rin ang mahigit sa 200-thousand na mga preso, kabilang na ang political prisoners sa mass vaccination ng gobyerno.

Ayon sa kalihim, partikular na uunahin sa pagbabakuna ang PDLs na senior citizens sakaling magkaroon na ng maraming supply ng bakuna sa bansa.


Pero habang naghihintay aniya ang bansa na magkaroon ng maraming supply ng bakuna, kinakailangan munang sundin ng mga ito ang minimum health protocols para maiwasan ang pagkalat pa ng virus

Facebook Comments