MGA SENIOR CITIZENS SA ILOCOS REGION, MAKAKATANGGAP PA RIN NG PENSION KAHIT WALANG NATIONAL ID-DSWD

Maaari pang makuha ng mga senior citizens sa Ilocos Region ang kanilang quarterly pension kahit wala pang PhilSys National ID, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Bagama’t simula Abril 1, ang PhilSys ID ang magiging pangunahing identification para sa mga benepisyaryo, tinatanggap pa rin ang iba pang government-issued IDs para sa mga wala pang National ID.

Kasama sa mga tinatanggap na alternatibong ID ang OSCA ID, PhilHealth ID, Voter’s ID, Passport, Driver’s License, 4Ps ID, PWD ID, TIN ID, Postal ID, Solo Parent ID, SSS-UMID, GSIS e-Card, OFW at OWWA IDs, PRC ID, Seaman’s Book, IBP ID, at iba pang government IDs na may pangalan, litrato, at address.

Ayon sa DSWD, layunin nito na tulungan ang bawat senior pensioner na magkaroon ng National ID sa hinaharap, upang mas mabilis at maayos ang proseso ng pagtanggap ng kanilang ayuda.

Sa Ilocos Region, inaasahang mahigit 208,000 senior citizens ang makikinabang mula sa higit P2.5 bilyong pondo para sa social pension ngayong 2026 kung saan tumatanggap ng P1,000 kada buwan na pensyon ang mga kwalipikadong benepisyaryo na karaniwang inilalabas kada quarter bilang P3,000. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments