Mga ‘Special Children’ ng Cauayan City South Central School, Nabigyan ng Relief Goods mula sa DWKD RMN Cauayan!

*Cauayan City, Isabela-* Personal na iniabot ng mga RadyoMaN ng DWKD RMN Cauayan ang mga Relief goods sa mga ‘Special Children’ ng Cauayan City South Central School kaninang umaga.

Nasa apatnapu’t limang relief goods ang ipinamahagi ng DWKD RMN Cauayan sa mga ‘special children’ ng nasabing paaralan kasama ang kanilang mga magulang.

Bakas naman sa mukha ng mga bata ang kanilang kaligayahan dahil sa kanilang natanggap na relief goods.


Malaki rin ang naging pasasalamat ni Dr. Liwliwa Calpo, ang Principal ng South Central School dahil sa boluntaryong pagbibigay tulong ng DWKD RMN Cauayan.

Facebook Comments