Mga stranded na pasahero sa mga pantalan, mahigit 34,000 na

Pumalo na sa 34,195 ang bilang ng mga stranded na mga pasahero sa mga pantalan sa Bicol, Central Visayas, Eastern Visayas, Southern Tagalog, Northern Mindanao, Western Visayas at Southern Visayas.

 

Paliwanag ng Philippine Coast Guard (PCG) suspendido ang operasyon ng 3,253 rolling cargoes, 46 motorbancas, at 157 vessels habang nasa 86 vessels at 7 motorbancas din ang nakakubli dahil sa masamang panahon.

 

Tiniyak ng coast guard na mahigpit na ipatutupad ang alituntunin sa pagbabawal sa paglalayag ng mga sasakyang pandagat sa mga lugar na hindi maganda ang lagay ng panahon.


Facebook Comments