Mga stranded na pasahero sa pantalan, nabawasan na

Nabawasan na ang mga pasaherong stranded sa iba’t ibang pantalan bunga ng Bagyong Ursula

 

Ayon sa PhilippiCoast Guard, bumaba na sa mahigit 3,900 na lamang ang mga stranded na pasahero sa Southern Tagalog at Western Visayas.

 

Nananatili namang suspendido ang operasyon ng 347 rolling cargoes, 3 motorbancas, at 18 vessels,  Habang nakisilong muna ang labing walong sea vessels.


 

Samantala, ang ilan sa mga stranded na pasahero sa North Port Passenger Terminal sa Maynila ay makaka-alis na mamayang gabi dahil makakabiyahe na ang mga barkong patungong Iloilo at Bacolod.

 

Ang ibang mga pasahero naman ay nakapila sa ticketing office sa North Port Terminal, para sa rebooking.

 

Tiniyak naman ng PCG na patuloy na naka-monitor ang kanilang mga tauhan sa sitwasyon sa mga pantalan.

Facebook Comments