Mga suliranin sa sektor ng edukasyon, inilatag ng isang kongresista

 

Ibinahagi Committee on Basic Education Chairman at Pasig City Representative Roman Romulo, ang ilang mga problema na kinakaharap ng Pilipinas sa basic education, batay sa paunang mga resulta ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II).

Pahayag ni Romulo, ang mga manggagawa at mga guro ay kapos sa mga kinakailangang pagsasanay sa Early Childhood Education (ECE) dahil halos kalahati ang sa mga ito ang nakapagtapos ng kolehiyo, habang 17% ay high school diploma lang ang taglay at kakaunti lang ang may training sa ECE.

Tinukoy din ni Romulo ang pag-aaral na isinagawa ng Philippine Institute for Development Studies na nagpapakita na 36% lamang ng mga barangay ang may mga daycare centers na taliwas sa itinatakda ng Republic Act 6972.


Binanggit din ni Romulo ang kakulangan ng sapat at mataas na kalidad ng pinagkukunan ng pag-aaral, lalo na ng mga aklat at mababang enrollment sa mga mahihirap na mag-aaral.

Sabi ni Romulo, nakaapekto din sa pag-aaral at pangkalahatang kapakanan ng mga kabataan ang pinalawig na pagsasara ng mga paaralan dulot ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments