113 Moro ang opisyal na nagtapos mula sa School of Living Tradition program ng Bureau on Cultural Heritage-ARMM sa isinagawang mass graduation nitong Biyernes, December 22 sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex.
Ang School of Living Tradition program ay kinabibilangan ng mga training sa paghahabi ng banig, Basic Kulintang (Maguindanaon traditional instruments), Tifaya Senafeng (Teduray handicrafts), Basic Kagul (Teduray musical instruments), Kuntao at Silat (Tausug martial arts), Inaul Weaving (Maguindanaon and Iranun hand fabric), at Native Delicacies (Maguindanaon native delicacies).
Sinabi ni BCH-ARMM executive director Engr. Marites Maguindra, ang layunin nito ay upang matiyak na ang traditional arts sa ARMM ay mapreserba at maisalin sa mga susunod na henerasyon sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga interesadong grupo.
Ang mga estudyante sa School of Living Tradition program ay out-of-school-youths, single parents, kababaihan at iba pa, natutunan ng mga ito ang mga kasanayan at pamamaraan sa art form na kanilang napili.
Inihayag naman ni Office of the Regional Governor-ARMM records officer Abdulhamid Alawi, Jr., na mahalagang mapreserba ang kultura dahil bahagi ito ng pagkakakilanlan ng isang indibidwal.
Mga sumailalim sa School of Living Traditions program sa ARMM ngayong taon, nagsipagtapos na!
Facebook Comments