Mga sundalo, nahuling nagnanakaw!

Manila, Philippines – Isang team ng mga sundalo ang nahaharap sa kaso matapos mahuling nagnanakaw sa Marawi City.

Ayon kay Col. Romeo Brawner Jr., deputy commander ng Joint Task Force Ranao, kinabibilangan sila ng isang opisyal at limang mga enlisted personnel na pawang mga tauhan ng Philippine Army.

Nangyari ang looting noong una o ikalawang linggo ng bakbakan sa Marawi City.


Aniya, ipinabalik din naman sa mga bahay ang kanilang mga ninakaw.

Posibleng maharap sa court martial ang mga hindi na pinangalanang sundalo.

Tiniyak naman ng liderato ng AFP na walang mangyayaring whitewash sa gagawin nilang imbestigasyon.

Facebook Comments