Cleveland Cavaliers, lumagapak sa bottom seven ng Western Conference sa NBA

Sports – Patuloy ang pagbulusok ng standing ng Cleveland Cavaliers sa ‎2017-2018 NBA season.

Ito’y matapos na malasap ng Cavaliers ang ika-apat nilang talo kontra New York Knicks, 114-95.

Dahil dito, sumampa sa 3-4 ang kartada ng cavaliers na ngayo’y nasa bottom seven ng western conference division.


Dismayado naman si Cavs team captain Lebron James.

Aminado si Lebron na nangangapa pa ang kanyang mga bagong teammate kaya nag-iiba ang kanilang game play.

Facebook Comments