Handa ang Amerika na ipadala ang kanilang mga sundalo sa Senkaku Island upang tulungan ang Japan na maprotektahan ito lalo na’t pilit umano itong inaagaw ng China.
Ito ang naging pahayag ni Lieutenant General Kevin Schneider, Commander ng US forces ng makarating sila sa bansang Japan para sa kauna-unahang Joint Military Exercise kung saan nasa 37,000 Japanese soldier at 9,000 US troops ang kasama sa sampung araw na aktibidad.
Pinasaringan din ni Schneider ang mga iligal na aktibidad ng China partikular ang pagtatayo ng military base sa South China Sea at ang panggigipit ng People’s Liberation Army (PLA) ng China sa bansang Taiwan.
Sinabi naman ni General Koji Yamazaki, top Military Commander ng Japan na ang binitawang pahayag ni Schneider ay magsilbing babala sa ginagawang pang-aagaw ng China sa pinagtatalunang mga isla sa karagatan.