Mga sundalong nakakaranas ng combat stress dahil sa patuloy na giyera sa Marawi City, sinisimulan ng tutukan ng AFP

Manila, Philippines – Tinututukan na ngayon ng Armed Forces of the Phil. ang mga sundalong posibleng makaranas ng combat stress dahil sa tagal ng panahon giyera sa Marawi City.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief, Col. Edgard Arevalo, inaasahan na nila ang problemang ito.

Dahil dito ngayon pa lamang ay may paghahanda ng ginagawa ang AFP.


Aniya mayroong programa ang AFP para sa mga sundalong nakakaranas ng combat stress.

Habang may professionals din sila sa kanilang hanay ang eksperto sa pagtutok sa pagsasagawa ng combat stress debriefing.

Ang pahayag ay ginawa ni Arevalo makaraang masangkot sa verbal abuse ang isa sa mga sundalong nakatalaga sa Lanao del Sur.

Facebook Comments