Mga suspek sa pagpatay kay Subic businessman Dominic Sytin, kinasuhan na sa Korte

Sinampahan na ng kasong murder at Frustrated murder sa Korte ang itinuturong mastermind at mga suspek sa pagpatay kay Subic businessman Dominic Sytin.

 

Ito ay matapos ang resolusyon ng DOJ Panel of Prosecutors sa kasong isinampa ng Olongapo City-Police laban sa negosyanteng si Dennis Sytin kaugnay ng pagpatay sa nakatatanda nitong kapatid na si Dominic Sytin noong November 28, 2018.

 

Inirekomenda ng Piskalya ang pagsasampa na ng kasong murder sa Olongapo RTC laban kina Alan Dennis Lim Sytin, Ryan Rementilla alyas Oliver Fuentes at ang self-confessed gunman na Edgardo Luib.


 

Kinasuhan din ng frustrated murder sa Olongapo RTC ang tatlo dahil naman sa bigong pagpatay sa bodyguard ni Dominic na si Efren Espartero.

 

Binigyang bigat ng piskalya ang nilalaman ng boluntaryong ExtraJudicial Confession ni Luib kung saan itinuro nito sina Rementilla at Dennis Sytin na siyang nag-utos sa kanya para patayin si Dominic.

Facebook Comments